HPCMU News Release No. 002
January 13, 2022
Kinilala ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) si Dr. Nimfa M. Putong bilang bagong Medical Center Chief II (MCC II) ng Valenzuela Medical Center (VMC), sa kaniyang courtesy call kay Regional Director Gloria J. Balboa nitong araw ng Huwebes, ika-13 ng Enero, 2022.
Matatandaan na Naging bahagi rin si. Dr. Putong ng San Lazaro Hospital at nanungkulan bilang Medical Specialist IV. Kung kaya’t sa ilalim ng Department Personnel Order No. 2021-3193 epektibo noong ika-16 ng Disyembre, ganap nang itinalaga si Dr. Putong bilang Medical Center Chief II ng Valenzuela Medical Center.
Labis rin ang galak nina DOH-MMCHD Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) Head, Dr. Manuel C. Mapue III, Regional Adverse Events Following Immunization (RAEFIC) Member, Dr. Ramoncito Yambao, at VMC Outpatient Department Chief, Dr. Joanne Alvarez na siya ring mga kasama na dumalo sa courtesy call.
Sa pagtatapos ay nagbigay ng payo si Dir. Balboa kay Dr. Putong sa mga hamon na maaari nitong makaharap sa kaniyang panunungkulan. Kasabay din nito ang pagpapahayag ng suporta at mainit na pagbati sa bagong Medical Center Chief.