HPCMU News Release No. 172
December 15, 2021
Nagsagawa ng symbolic vaccination ang Department of Health (DOH) sa National Center for Geriatric Health (NCGH) ngayong araw, ika-15 ng Disyembre taong 2021 sa pangunguna nina Undersecretary Myrna Cabotaje, Assistant Secretary Elmer Punzalan, Asec Romeo Ong at Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) Regional Director Gloria Balboa.
Ito ay bilang pagsisimula ng ikalawang yugto ng Bayanihan, Bakunahan sa National Capital Region (NCR) na tatagal hanggang Biyernes, ika-17 ng Disyembre, 2021.
Kabilang sa binakunahan para sa symbolic vaccination ay si DOH Undersecretary Myrna Cabotaje at may bahay ni Congressman Bienvenido Abante Jr., at NCGH Hospital Chief Dr. Milagros Barzaga.
Nagpa-abot naman ng pasasalamat si Jose R. Reyes Memorial Medical Center Chief Dr. Emmanuel F. Montaña sa suporta na ibinibigay ng DOH sa NCGH.
Bilang pagsuporta sa ikalawang yugto ng Bayanihan Bakunahan, dumalo rin sa NCGH si Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya.
Sa pagpapatuloy ng malawakang bakunahan sa rehiyon, binisita rin ni Dir. Balboa ang Meralco Vaccination Site sa lungsod ng Pasig kung saan malugod naman itong tinanggap ng mga opisyal ng Meralco Corporation at MVP Group of Companies na sina Edgardo Carasig, Ronnie Aperocho, Ferdinand Geluz, Coach Ryan Gregorio at ni Cardinal Santos Medical Center Administration Dr. Abby Florentino.
Pinaalalahanan naman ni Dir. Balboa ang mga magpapabakuna sa Meralco Vaccination Site na huwag maging kampante sa proteksyong ibibigay ng bakuna at dapat paring sumunod sa Minimum Public Health Standard upang tuluyan mawakasan ang COVID-19 pandemic sa bansa.