HPCMU News Release No. 171
December 10, 2021
Kasunod ang matagumpay na COVID-19 National Vaccination Days, nagbigay parangal ang Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) sa mga nakatuwang nito upang mapalawig ang bakunahan.
Umikot ang grupo sa NCR upang bigyang pagpupugay at pasalamatan ang mga siyudad at mga pampublikong ospital nito sa pakikilahok sa pagbabakuna.
Unang binigyan ang mga pampubliko at pribadong ospital kasunod nito ang mga lokal na pamahalaan. Kasama sa mga binigyang parangal ang mga Medical Center Chiefs, Mayors, City Health Officers at ang mga volunteers na pinadala sa ibang rehiyon upang tumulong sa pagbabakuna.
Nagpahayag ng pasasalamat si DOH-MMCHD Regional Director Gloria J. Balboa sa pakikiisa ng mga ospital at lokal na pamahalaan sa kanilang kontribusyon sa pagpapatibay ng proteksyon ng publiko laban sa COVID-19.
Lubos naman na ikininagalak ng mga nakatanggap ng sertipiko ang parangal at sinigurong muli na susuporta sa mga adkihain at hakbang ng DOH laban sa COVID-19.
Nakatakda naman ilunsad ang pangalawang yugto ng Bayanihan Bakunahan sa December 15-17, 2021 at inaasahan na muling magtutulong-tulong ang mga lungsod at healthcare workers ng NCR upang makamit ang target na pagbabakuna sa bansa.