LATEST NEWS

MCDONALD’S PHILIPPINES, KAISA NG DOH-MMCHD SA NATIONAL VACCINATION DAYS

 

HPCMU News Release No. 168
November 29, 2021

Kaisa ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH – MMCHD) ang Mcdonald’s Philippines sa pag-arangkada ng National Vaccination Days nitong araw ng Lunes, ika-29 ng Nobyembre, 2021.

Tinatayang nasa 1,000 meal sets ang ipinamahagi ng Mcdonald’s Philippines sa mga nabakunahan sa ilang piling vaccination sites sa National Capital Region (NCR) upang bigyang suporta ang kampanya ng gobyerno laban sa COVID-19.

Samantala, pinasalamatan naman ni DOH – MMCHD Regional Director Gloria J. Balboa, Congresswoman Josephine Veronique "Jaye" Lacson-Noel at Malabon Mayor Antolin Oreta III, ang pakikiisa ng Mcdonald’s Philippines sa kampanyang ito ng gobyerno na naglalayong masugpo ang pandemya bunsod ng COVID-19.