LATEST NEWS

IKATLONG BUGSO NG PAGBABAKUNA SA MGA BATANG NASA EDAD 12 – 17 TAONG GULANG, TINALAKAY SA PANAYAM NG CARITAS NEWS ON THE GO KAY DOH-MMCHD REGIONAL DIRECTOR GLORIA J. BALBOA

 

HPCMU News Release No.161

November 8, 2021

Tinalakay sa panayam ng Caritas News on the Go kay Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Regional Director Gloria J. Balboa ang ikatlong bugso ng pagbabakuna sa mga batang nasa edad 12 – 17 taong gulang.
Ayon kay Director Balboa, pormal nang sinimulan ang phase 3 pediatric vaccination noong Miyerkules, November 3, 2021.

Sa datos aniya ng DOH-MMCHD nitong November 2, 2021 nasa 63,190 na ang bilang ng mga batang nabakunahan laban sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Nangako naman si Director Balboa na mas pabibilisin at palalakasin pa ang proseso ng rollout ng pediatric vaccination sa NCR upang makamit ang target na mabakunahang bata sa rehiyon na nasa halos 1.4 million.

Hinihimok naman ni Director Balboa ang mga magulang na magparehistro na online o makipag ugnayan sa kani-kanilang lungsod o city health office upang makakuha ng schedule ng pagbabakuna sa kanilang mga anak.

Pinaalalahanan rin nito ang mga magulang na dalhin ang mga kinakailangang dokumento sa pagbabakuna gaya na lamang ng Identification Card ng bata na may birthdate o birth certificate gayundin sa magulang o guardian na sasama sa pagbabakuna bilang patunay ng kanilang relasyon sa bata.

Para naman aniya sa mga may comorbidities ay kailangang magdala ng medical certificate at ibang supporting documents na magpapatunay ng karamdaman ng bata.

Sa huli, inihayag ni Director Balboa na ang pagbabakuna sa mga bata ang nakikita nitong hakbang upang dahan-dahang maibalik ang face-to-face classes sa NCR.