LATEST NEWS

PAGHAHANDA PARA SA PHASE 3 NG PEDIATRIC VACCINATION, SINAGAWA NG LUNGSOD NG MANDALUYONG


HPCMU News Release No.160
November 3, 2021

Nagsagawa ng isang Site Inspection ang Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) sa Shangri-La Plaza Mall, bilang bahagi ng paghahanda ng lungsod ng Mandaluyong para sa Pediatric Vaccination Phase 3.

Sa isinagawang inspeksyon, inisa-isa ang proseso ng gagawing pagbabakuna sa mga kabataan kung saan may karampatang pila at lugar para sa pagrehistro, screening, ang mismong pagbabakuna at huli ang lugar para sa obserbasyon matapos ang bakuna.

Naging matagumpay ang inspeksyon, kung kaya’t siniguro ng awtoridad ng Shangri-La Plaza, sa tulong ng City Health Office ng Mandaluyong, na magiging maayos, madali at komportable ang gagawing pagbabakuna sa mga bata.

Kasama sa inspeksyon mula sa DOH-MMCHD sina Local Health Support Division (LHSD) Head Dr. Amelia Medina, Bb. KG Orpilla, Family Health Cluster (FHC) Head Dr. Janice Roxas-Malesido, Infectious Diseases Prevention and Control Cluster (IDPCC) Head Dr. Adorisa Jurao at Mandaluyong Development Management Officer (DMO) IV Mr. Rodel Alegre. Dumating din ang Mandaluyong City Health Officer (CHO) na si Dr. Arnold Abalos. Mula sa Shangri-La Plaza naman, sumama sina Operations Head, G. Johnny Rios at General Services Manager, Bb. Jane Ferrer. Huli, gumabay sa naging inspeksyon ang mga Vaccination Coordinator ng Mandaluyong na sina Bb. Daisy Costales at Bb. Jen Mactal.

Isa lamang ang Shangri-La Plaza sa ilang mall na gagawing vaccination site para sa mga pediatrics, taong 12-17 gulang.