LATEST NEWS

SURVEY PARA SA PAG-AARAL NG HEALTH LITERACY NG PUBLIKO, SINIMULAN NA


HPCMU News Release No. 159
November 3, 2021

Sinimulan na sa lungsod ng Mandaluyong ang survey para sa pag-aaral ng kaalamang ng publiko sa kalusugan nitong ika-3 ng Nobyembre, 2021.

Nagsagawa ng courtesy call ang Health Promotion Unit (HPU) ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) sa pangunguna ni HPU Officer-in-Charge, G. Reginald V. Santiago, sa City Health Office (CHO) ng Mandaluyong na pinapangunahan naman ni Dr. Arnold Abalos. Kabilang din sa courtesy call si Development Management Officer (DMO) IV, Dr. Rodel M. Alegre.

Ito ang naging hudyat ng pagsisimula ng pag-aaral sa kaalaman ng publiko sa kalusugan na Health Literacy Assessment – Knowledge, Attitude and Practices (HLA-KAP) kung tawagin.

Bilang bahagi ng naisakatuparang Universal Health Care (UHC) Act, aaralin sa pamamagitan ng survey na ito ang kaalaman, saloobin, at mga kagawiang pangkalusugan ng 227 kabahayan mula sa bawat Local Government Unit (LGU).
Ang survey ay tatakbo simula ngayong Nobyembre hanggang Disyembre ng taong ito.