LATEST NEWS

MGA HAKBANG NG RI-UNICEF UPANG MATULUNGAN ANG PAGTUGON NG PILIPINAS SA COVID-19 PANDEMIC, TINALAKAY SA PANAYAM NG CARITAS NEWS ON THE GO KAY MS. KARA PROTOMARTIR, C4D CONSULTANT NG RI-UNICEF

HPCMU News Release No. 151

October 18, 2021

Tinalakay sa panayam ng Caritas News on the Go kay Ms. Kara Protomartir, C4D Consultant ng Relief International - United Nations Children's Fund (RI-UNICEF) ang mga hakbang na isinasagawa nito upang matulungan ang bansa sa pagsugpo ng pandemyang COVID-19.

Ayon kay Ms. Protomartir, Ang Relief International ay isang INGO o International Non-Government Organization na tumutugon sa edukasyon, ekonomiya, oportunidad, sanitasyon, kalugusan at nutrisyon.

Ang Relief International ay hindi lang aniya mayroon sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa gaya ng Bangladesh, Jordan, Yemen, Pakistan, Lebanon, Turkey, at Iran.

Sa ngayon aniya ay nakikipagtulungan sila sa Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) upang magbigay ng technical assistance at mapataas ang COVID-19 vaccination rate sa bansa sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay at paghikayat sa publiko na magpabakuna kontra COVID-19.

Sa huli, muling hinikayat ni Ms. Protomartir ang publiko na magpabakuna na kontra COVID-19 at pagpapatuloy sa pagsusuot ng face mask, face shield at pag-obserba sa physical distancing upang mapabilis ang pagbabalik ng bansa sa normal.