LATEST NEWS

DOH-MMCHD ROVING BANDILLO PARA SA RESBAKUNA COVID-19 VACCINATION CAMPAIGN, UMARANGKADA NA

HPCMU News Release No. 149

October 12, 2021

Umarangkada na ang mga Roving Bandillo ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) sa lahat ng Local Government Units sa National Capitol Region. Ito ay sa pangunguna ng Health Promotion and Communication Management Unit (HPCMU) na naglalayong palakasin ang kampanya ng pagbabakuna kontra COVID-19.

Nakikipag-ugnayan ang HPCMU sa mga City Health Offices para sa pag-iikot ng mga roving bandillo sa mga barangay at health offices.

Samantala, inaasahang tatagal ang mga Resbakuna bandillo sa mga daan hanggang sa unang linggo ng Disyembre.