HPCMU News Release No. 148
October 10, 2021
Nilagdaan ng Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) at Philippine National Police (PNP) ang Memorandum of Agreement para sa dagdag na suportang pangmedikal ng pulisya at militar sa pangangailangan ng mga ospital sa paglaban sa COVID-19.
Pinangunahan ni PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang send-off ceremony para sa sampung (10) PNP Health Service Nurses na itatalaga sa ospital upang magbigay ng dagdag na suporta sa pangangalaga ng mga pasyenteng may COVID-19. Dumalo sa seremonya ang Regional Director ng National Capital Region na si Dir. Gloria J. Balboa at Assistant Vice President and Head of the Ancillary Services na si Dr. Monserrat Velasquez ng Cardinal Santos Medical Center.
Samantala, nagpasalamat naman si Regional Director Gloria J. Balboa sa patuloy na pagsuporta ng PNP sa mga adhikain ng Department of Health upang labanan ang COVID-19 sa bansa.“We are thankful for the support and additional manpower from the PNP who will be assigned in different hospitals, governments and private needing said assistance.” aniya.
Ibinida rin ng direktor na umulan man o umaraw ay matatag na ginampanan ng PNP ang kanilang trabaho sa paglaban sa COVID-19. Pinuri din ng direktor ang pagpapatupad ng PNP ng border control, pagsunod sa mga minimum public health standards at pamamahala sa mga isolation facilities at vaccination sites upang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng ating mga kababayan.
Sinabi naman ni PNP Chief Police Eleazar na, “PNP is more than prepared to support government programs for the promotion of health and for the benefit of the Filipino people.” Dagdag pa niya na manantiling beacons of hope and vanguards of humanitarian action ang kapulisan.