LATEST NEWS

DR. HAYDEE LEN PALAMO, KINILALANG BAGONG DEVELOPMENT MANAGEMENT OFFICER IV NG MANILA

HPCMU News Release No. 144

October 4, 2021

Kinilalang bagong Development Management Officer IV (DMO IV) ng Manila si Dr. Haydee Len M. Palamo sa kaniyang Oath Taking Ceremony na pinangunahan ni Regional Director Gloria J. Balboa. Ito ay pisikal na ginanap sa tanggapan ng Department of Health Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) at naipakita sa Virtual Flag Ceremony nitong Lunes, ika-4 ng Oktubre, 2021.

Bago ang kaniyang promosyon, siya ay Medical Officer III sa Non-Communicable Disease Prevention and Control Cluster (NCDCC), na may hawak ng mga programa sa ilang aspeto tulad ng Primary Eye Care, Persons with Disability, Healthy Aging Program at Violence and Injury Prevention Programs. Bukod dito, siya rin ay naging bahagi ng MMCHD Clinic at humawak ng Customer Satisfaction Survey.

Malugod na binati ni Dir. Balboa at ng mga kawani si Dr. Palamo sa kaniyang bagong posisyon.