LATEST NEWS

TURNOVER NG FACE SHIELD DONATION NG TATLONG ORGANISASYON PARA SA DOH-MMCHD, NAGING MATAGUMPAY

HPCMU News Release No. 143

October 4, 2021

Pormal na tinanggap ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang 500 piraso ng Face Shields ngayong araw, ika-4 ng Oktubre, 2021.

Ito ay donasyon ng tatlong organisasyon na Civil Defense Action Group (CIDAG), International Buddhist Progress Society of Manila (IBPS), at ng Association of Volunteers, Fire Chiefs and Fire Fighters of the Philippines, Inc. (AVFCFFPI). Dala ito ng dalawang opisyal mula sa CIDAG at AVFCFFPI na sina G. Gladwin So at G. Jun Tolentino.

Malugod naman itong tinanggap ng DOH –MMCHD na dinaluhan nina Regional Director Gloria J. Balboa at Assistant Regional Director Aleli P. Sudiacal. Dumalo rin sina Dr. Ellen Mutya ng Health Emergerncy Management Unit (HEMU), at Dr. Amelia Medina ng Local Health Support Division (LHSD).

Samantala, lubos na nagpasalamat ang DOH-MMCHD sa mga organisasyon na patuloy na nagbibigay ng donasyon bilang kaisa sa mandato ng ahensya na matiyak ang pagbibigay proteksyon at kalidad na pangangalagang pangkalusugan.