LATEST NEWS

PAGDIRIWANG NG PAGTATAPOS NG PASIG CITY RESILIENCE TO DISASTERS AND EMERGENCIES PROJECT, NAGING MATAGUMPAY

HPCMU News Release No. 139

September 28, 2021

Naging matagumpay ang Close-Out Event ng Pasig City Resilience to Disasters and Emergencies Project na pinangunahan ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office o PCDRRMO. Ginanap itong virtual event nitong ika-28 ng Setyembre, 2021 sa pamamagitan ng Zoom.

Binahagi sa programa ang mga nakamit na hakbang ng mga miyembro ng proyekto mula nang ito ay simulan saktong isang taon mula ngayong araw, noong ika-28 ng Setyembre, 2020. Binigyang diin ang kahalagahan ng paghahanda sa mga sakuna tulad na lamang ng baha at earthquakes.

Kasama rin sa proyektong ito ay ang pagsisikap na buuin ang Pasig City Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H) Plan.

Nagpa-abot ng mensahe si Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Regional Director Gloria J. Balboa. Sa kaniyang mensahe, batid nito na ang proyekto ay nagsilbing daan o interbensyon para magkaroon ng epektibong plano sa pag-responde sa pang-kalusugan at kabuuang proteksiyon ng publiko. Dagdag pa nito, na nanatiling ang kaalaman, kamalayan at tamang pag-gamit ng iba’t ibang resources, teknolohiya at mga polisiya ang susi at pundasyon sa pag-iwas at pagtugon sa oras ng pang-kalusugang peligro.

Sa huli ay nagpahayag si Dir. Balboa, sa ngalan ng DOH-MMCHD, ng patuloy na suporta sa pagsulong ng iba pang hakbang ugnay sa DRRM-H upang mas mapaigting pa ito sa hinaharap, at maging motibasyon rin para sa ibang lokal na ahensya. Binati nito ang PCDRRMO at ang siyudad ng Pasig sa matagumpay na pagtatapos ng nasabing proyekto.