LATEST NEWS

OATH TAKING PARA SA PROMOSYON NG MGA KAWANI NG DOH MMCHD, NAGING MATAGUMPAY

HPCMU News Release No. 138

September 29, 2021

Naging matagumpay ang Oath Taking Ceremony para sa promosyon ng mga kawani ng Department of Health Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD), na ginanap sa Flag Ceremony nitong Lunes, September 27, 2021.

Ang nasabing Oath Taking ay para sa kawani na bagong naitalaga sa MMCHD, maging ang mga natatangi sa kanilang serbisyo at umangat sa kanilang posisyon. Isa sa kanila ay si Bb. Cheeryl C. Mahilum na mula sa pagiging Computer Programmer I ay umagat bilang Administrative Assistant III, sa Regulations, Licensing and Enforcement Division o RLED. Sumunod naman si G. Albert Jerome D. Casihan na mula Planning Officer III ay naging Development Management Officer IV. Huli ay si Atty. Deane Denesy Jao na naitalaga bilang Attorney III sa Legal Affairs Unit o LAU.

Ito ay ginanap kasabay sa Flag Ceremony na isinagawa sa tanggapan ng MMCHD kung saan pisikal na nanumpa ang mga kawani sa pangunguna ni Regional Director Gloria J. Balboa. Ito ay napanood rin ng ibang kawani ng MMCHD online sa pamamagitan ng Webex.

Malugod na binati ng ahensya ang mga kawani sa kanilang pag-angat sa kani-kaniyang posisyon. Hinikayat pa rin ni Dir. Balboa na kanilang pag-igihin at ipagpatuloy ang kanilang husay upang maging inspirasyon sa ibang kawani at para sa pagsulong ng mga layon ng DOH-MMCHD.