LATEST NEWS

GENERICS AWARENESS MONTH, TINALAKAY SA PANAYAM NG CARITAS NEWS ON THE GO KAY DRA. KAREN FERNANDEZ, HEAD NG PROGRAM AND HEALTH FACILITY DEVELOPMENT CLUSTER (PHFDC) SA DOH-MMCHD

 

HPCMU News Release No. 135

September 10, 2021

Tinalakay sa panayam ni Ms. Jing Rey Henderson sa programang Caritas News on the Go kay Dra. Karen Fernandez, Head ng Program and Health Facility Development Cluster (PHFDC) sa Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH – MMCHD) ang Generics Awareness Month.

Ayon kay Dra. Fernandez, ang generikang gamot ay kasing bisa ng mga branded na medisina dahil pareho lamang ang active components nito, proseso ng produksyon, gayundin sa pagdaan sa pag-aaral ng Food and Drug Administration (FDA) upang matiyak na ito’y epektibo at ligtas inumin o gamitin.

Aniya, hindi lahat ng gamot ay may generic counterpart dahil ang mga branded na medisina ay may tinatawag na patent na maaaring tumagal ng (20) taon bago ito puwedeng gawan ng generic counterpart.

Pinayuhan naman ni Dra. Fernandez ang publiko na maging mapanuri sa pag bili ng gamot at bumili lamang sa mga botika na rehistrado sa FDA at mayroong lisensya para magbenta ng mga gamot.

Hinikayat rin ni Dra. Fernandez ang publiko na tangkilikin ang generikang mga gamot dahil itoý epektibo at abot-kayang medisina na angkop lalo na sa panahon na ito ng pandemya.