LATEST NEWS

TURNOVER NG HYGIENE KITS NG PROJECT RED RIBBON SA DOH-MMCHD PARA SA HIV AT AIDS PREVENTION AND CONTROL PROGRAM

 

HPCMU News Release No. 132

September 2, 2021

Sa patuloy na paglaban sa mga hamon na dala ng COVID-19, tiniyak ng Project Red Ribbon Care Management Foundation, Inc na ligtas ang mga HIV frontline healthcare workers (HCWs) na nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga Persons Living with HIV (PLHIV).

Tinanggap ng Infectious Diseases Prevention and Control Cluster (IDPCC) ng Department of Health- Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang 250 hygiene kits mula sa Project Red Ribbon Care Management Foundation, Inc. at Ingram Micro Philippines na naglalaman ng face masks, tissue, alcohol, face shield, vitamins, paracetamol at hand soap.

Ang Project Red Ribbon Care Management Foundation, Inc. ay isang HIV at AIDS advocacy foundation na binubuo ng mga advocates, supporters at PLHIV. Layon nila na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga taong nabubuhay na may HIV sa pamamagitan ng kamalayan, pag-pigil sa paglaganap ng sakit, pag-gamot nito at pagbibigay ng alaga at suporta.

Matatadaan na dati na rin nagpamahagi ang Project Red Ribbon Care Management Foundation Inc. ng E-Bikes sa treatment hubs ng labing-pitong (17) local government units (LGUs) upang magamit sa paghahatid ng mga antiretroviral drugs (ARVs) at HIV screening kits.

Dumalo sa turnover ng hygiene kits sina DOH-MMCHD Reg. Dir. Gloria J. Balboa, Local Health Support Division (LHSD) Chief Dr. Amelia Medina, Mr. Ico Rodulfo CEO ng Project Red Ribbon Care Management Foundation, Inc., Dr. Adorissa Jurao Head ng IDPCC, DMO V Dr. Manuel Mapue II ng Field Operation Cluster (FOC) at Regional Epidemiological Surveillance Unit (RESU) at Mr. Dominic Sotto, ang Regional HIV Coordinator ng DOH-MMCHD.

Nagpasalamat si Dir. Balboa sa Project Red Ribbon Care Management Foundation, Inc sa patuloy na suporta sa programa ng IDPCC para sa HIV and AIDS Prevention Control Program.