HPCMU News Release No.130
August 24, 2021
Naging matagumpay ang isinagawang forum ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) hinggil sa mga Health Care Workers na hindi pa nakakatangap ng Special Risk Allowance (SRA) at iba pang benepisyo sa ilalim ng RA No. 11494 Bayanihan to Recover as One Act 2.
Sa pagsisimula ng programa, binati ni DOH-MMCHD Regional Director (RD) Gloria J. Balboa ang lahat ng dumalo sa forum na naglalayong maipalaganap ang impormasyon hinggil sa SRA at iba pang benepisyo at mapabilis ang proseso sa pagitan ng kagawaran at mga pampubliko at pribadong ospital sa National Capital Region (NCR).
Matapos ang maikling presentasyon, isa-isa namang binasa ni dating Assistant Regional Director (ARD) Maria Paz P. Corrales ang mga katanungan ng publiko, health care workers at mga ospital na siya namang sinagot ni Dir. Balboa.
Hinikikayat rin ni Dir. Balboa ang mga HR Officers at Health Facilities na magsumite na ng listahan ng mga health care workers na pasok sa mga benepisyo at ilan pang mga kinakailangang dokumento sa kagawaran upang matanggap na ng mga ito ang benepisyo mula sa gobyerno.
Sa huli, nagpasalamat naman si ARD Aleli Annie Grace P. Sudiacal sa lahat ng dumalo at umaasa rin ito na sa pamamagitan ng forum ay marami ang naliwanagan sa kanilang mga katanungan hinggil sa kanilang mga benepisyo.
Inaasahan naman ng DOH-MMCHD ang mabilis na kooperasyon ng bawat health facilities upang agad na maipaabot ang mga karampatang benepisyo ng mga health care workers na siyang nangunguna sa pagtugon sa pandemyang COVID-19.