LATEST NEWS

DR. ALELI ANNIE GRACE P. SUDIACAL, PORMAL NANG UMUPO BILANG ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR NG DEPARTMENT OF HEALTH - METRO MANILA CENTER FOR HEALTH DEVELOPMENT

 

HPCMU News Release No.129

August 23, 2021

Naging matagumpay ang isinagawang turnover ceremony para sa bagong Assistant Regional Director (ARD) ng Department of Health - Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) na si Dra. Aleli Annie Grace P. Sudiacal, ngayong araw ng Lunes, ika-23 ng Agosto, 2021.

Ito ay sa pangunguna ni Regional Director Gloria J. Balboa kung saan kaniyang pormal na pinakilala sa buong DOH-MMCHD ang bagong ARD sa isinagawang flag ceremony sa pamamagitan ng Cisco Webex.

Inanunsyo rin nito na si Dr. Sudiacal ay mula sa Central Office ng DOH na papalit kay ARD Maria Paz Corrales na nagretiro.

Samantala, muli namang nagpasalamat si Dr. Corrales sa lahat ng kaniyang mga karanasan at nakasama sa DOH. “19 years ago, I walked into DOH, ready to change the way things were done. Last Friday, I walked out of DOH knowing that without a doubt, I am the one who was changed.”

Dagdag pa niya, “I take solace in knowing that I had a hand in making DOH what it is today, just as you all had a hand in making the person I am today. I am forever grateful for my career; life could have taken me in so many directions.”

Sa huli, nagpasalamat rin si ARD Sudiacal dahil sa mainit na pagtanggap ng DOH-MMCHD at nangangakong gagawin nito sa abot ng kaniyang makakaya upang hindi ito mabigo sa kanyang tungkulin hindi lamang sa ahensya kundi sa bayan.

Tinapos ni ARD Sudiacal ang kaniyang mensahe sa paghingi ng gabay at proteksyon sa Maykapal at sa paghikayat sa mga kawani na patuloy lakasan ang loob sa paglaban sa pandemyang COVID-19.