LATEST NEWS

OATH TAKING PARA SA PROMOSYON NG MGA KAWANI NG DOH MMCHD, NAGING MATAGUMPAY

 

HPCMU News Release No.126

August 17, 2021

Sa Flag Ceremony nitong Lunes, Agosto 16, 2021, naging matagumpay ang Oath Taking Ceremony para sa promosyon ng mga kawani ng Department of Health Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD)

Pinangunahan ng MMCHD Regional Director na si Director Gloria J. Balboa ang nasabing Oath Taking para sa apat na kawani na natatangi sa kanilang serbisyo sa kani-kanilang departamento. Sila ay sina Bb. Jean Michaella B. Cruz na mula sa pagiging Administrative Assistant II ay umakyat sa pagiging Health Program Researcher. Ganoon din si Ginoong Jimbo A. Vitudio na mula Nurse III ay naging Nurse IV. Si Ginoong Romeo B. Apuli, Jr., mula Development Management Officer III ay naging Nurse IV, pati narin si Ginoong Dominick D. Bactad na mula sa Nurse IV ay umakyat naman sa pagiging Development Managament Officer IV. Ang kanilang promosyon ay naging epektibo simula noong ika-11 ng Agosto, 2021.

Ang Oath Taking ay ginanap kasabay sa Flag Ceremony na isinagawa sa tanggapan ng MMCHD kung saan pisikal na nanumpa ang mga kawani sa pangunguna ni Dir. Balboa. Ito ay napanood rin ng ibang kawani online sa pamamagitan ng Webex kung saan naman nagpaabot si Assistant Regional Director Maria Paz Corrales ng kaniyang pagbati.

Patuloy na kinikilala ng MMCHD ang mga empleyado na nagpapamalas ng kanilang husay sa serbisyo. Hinikayat ni Dir. Balboa na kanilang pag-igihin pa at ipagpatuloy ang kanilang husay upang maging inspirasyon sa ibang kawani at para sa pagsulong ng mga layon ng DOH-MMCHD.