News Release No. 120
July 8, 2021
Ngayong ika-8 ng Hulyo ay ginanap sa House of Representatives ang pag-turn-over sa limang (5) ambulansya bilang donasyon sa District 2 ng Lungsod ng Quezon sa tulong ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD).
Ang limang (5) saksayan ay kabilang sa Type 1 na mga klase ng ambulansya na naglalaman ng kumpletong mga gamit para sa pagbibigay ng emergency procedures in transit.
Sa pagbibigay ng mahalagang mensahe, sinabi si Dir. Gloria J. Balboa ng DOH-MMCHD na malaki ang maitutulong ng mga ambulansya upang magbigay ng mabilis na serbisyo sa mga emergencies lalo na sa gitna ng pandemya.
"Based on studies kasi, kapag nabigyan ng proper emegency procedure, nagawa from the scene - ito ang tinatawag nating pre-hospital care, the chances of survival ay tumataas. So, napakalaking tulong ang mga ambulansya na ito to really save more lives."
Ayon rin kay Dir. Balboa, lisensyado na ang mga ambulansya, na-train at na-orient na rin ang mga magmamaneho nito at ang grupo na tatao sa ambulansya. Sinundan ito ng mga paalala ng tamang pag-gamit at pag-aalaga sa ambulansya at mga gamit kasama nito.
Maaring matanggalan ng lisensyang pang-ambulansya ang sasakyan kung ito ay hindi ginagamit sa tama at alisan ng mga gamit na nakalaan para rito.
Dumalo sa pag titipon si Congresswoman Precious Hipolito Castelo at sinabing ang mga Barangay ay hindi lamang dapat sa inprastaktura, grocery on wheels at iba pang serbisyo na pang-world class. Dapat ay pati narin raw sa pagresponde sa mahalagang buhay ng tao na kung saan ang bawat segundo ay mahalaga.
Dinaluhan ang turn-over nina DOH-MMCHD Dir. Balboa, Assistant Regional Director Dr. Maria Paz Corrales, Congresswoman Hipolito-Castelo, Councilor Wilson Castelo, mga Super Health Center Doctors at mga Brgy. Captain mula sa ikalawang distrito.