HPCMU News Release No. 118
July 31, 2021
Magkatuwang na inorganisa ng Department of Transportation, Paranaque City at Mega Wide Construction ang pagbabakuna sa mga tsuper na kinilala nila bilang mga “tsuperhero”.
Ang pagbabakuna sa mga transport workers ay isinagawa sa loob ng tatlong (3) bus at may walong vaccination team ang nakatalaga sa site.
Naka-schedule ang pagbabakuna sa mga transport workers sa PITX tuwing sabado at may target na 1,500 kada-sabado.
Ang vaccination site sa PITX ay hindi limitado sa mga transport workers sa Paranaque, kundi ito ay bukas sa lahat. Ang DOTr ang nakikipag-ugnayan sa mga operators at cooperatives upang mabakunahan ang kanilang mga tsuper.
Sa kabilang banda, inanyayahan ni Secretary of Transportation Atty. Arthur P. Tugade ang mga tsuper na magpabakuna at sabay na inanunsyo ang pag-wave ng terminal fee sa PITX.
Ani naman ni Dir. Balboa na ang pagsugpo sa pandemyang kinakaharap ay hindi makakamit sa pamamagitan ng isang ahensya lamang kundi sa pagtutulungan ng mga ito.
Ibinalita rin ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez na umabot na ng 250,000 ang nabakunahan ng unang dose sa lungsod at tinatayang 170,000 naman ang mayroon ng pangalawang dose.
Dinaluhan rin nina DOTr Asec. Atty. Mark Steven C. Pastor, DOTr Asec. Goddes Hope Libiran, Land Transportation Office-NCR Regional Director Clarence Guinto, DOH-MMCHD Assistant Regional Director Maria Paz, Corrales, Congressman Eric Olivarez at Paranaque City Health Officer, Dr. Olga Vitusio.