LATEST NEWS

BINISITA NI ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR MARIA PAZ P. CORRALES ANG DRIVE-THRU VACCINATION SA LUNGSOD NG MAYNILA


HPCMU News Release No.117
July31, 2021

Binisita ni Assistant Regional Director Maria Paz P. Corrales ng Metro Manila Center for Health Development ang bagong bukas na Drive Thru Vaccination Site sa Maynila. Kasama niya rin bumisita dito sina National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vivencio B. Dizon, MMDA Chairman Benhur Abalos at Assistant Secretary Elmer G. Punzalan.

Sa panayam kay Mayor Isko Moreno, sinabi niya na binuksan ang drive thru vaccination site na ito upang mapabilis ang proseso ng pagbabakuna sa lungsod ng Maynila. Ito ang ika-27 na vaccination site na binuksan sa buong lungsod ng Maynila. Aniya, “1+3 kasi ang rule dito so you can bring your family here”. Dalawang lanes ang binuksan para sa mga sasakyan na dadaan dito. Tatagal lamang ng lima hanggang sampung minuto ang proseso sa pagbabakuna, kaya’t sandaling oras lamang ang gugugulin ng mga nais magpabakuna dito. Nagbigay din sila ng malawak na ispasiyo para sa paparadahan ng mga sasakyan para sa post vaccine monitoring.

Layon ng lungsod na makapag tala sila ng 1,000 hanggang 2,000 jabs a day nang sa gayon ay lalo pang tumaas ang bilang ng mga bakunado sa buong Maynila. Sa ngayon ay 4-wheeled vehicles muna ang kanilang tinatanggap at patuloy pa din nilang pinagaaralan kung paano pa nila mapabubuti ang kanilang serbisyo sa pagbabakuna sa buong Maynila.

Ayon kay Sec. Vince Dizon, ang layon ng NCR ay magbakuna ng mabilis at marami. Aniya, “We have to increase the number of vaccination sites.” Pinuri naman ni Sec. Dizon ang magandang inisyatibo na ito ng Maynila dahil sa mabilis at komportable na hatid nito sa mga tatanggap ng bakuna lalo na sa panahon ng tag-ulan.Nagbahagi rin ng magandang balita ang Secretary tungkol sa mga paparating na private procured vaccines, kaya inaasahan pa ang pagtaas ng bilang ng mga mababakunahan.