LATEST NEWS

SIDE EFFECTS NG MGA BAKUNA KONTRA COVID-19 AT MGA NAPAPAULAT NA UMANO’Y NASAWI MATAPOS MABAKUNAHAN, TINALAKAY SA PANAYAM KAY DOH-MMCHD ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR MARIA PAZ P. CORRALES

 

HPCMU News Release No. 116

July 30, 2021

Tinalakay sa panayam nina Ms. Jing Rey Henderson at Ms. Analyn Julian kay Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Assistant Regional Director Maria Paz P. Corrales sa programang Alay Kapwa sa Caritas Philippines noong Sabado, Hulyo 31, 2021 ang mga side effects ng mga COVID-19 vaccines at mga napapaulat na umano’y nasasawi matapos mabakunahan.

Ayon kay Asst. Regional Dir. Corrales, ang lahat ng bakuna kontra COVID-19 ay may side effects gaya na lamang ng nararamdamang sakit sa braso kung saan tinurukan at pagkakaroon ng lagnat.

Pinabulaanan naman nito ang mga napapaulat na umano’y nasasawi matapos bakunahan kontra COVID-19.

Paliwanag nito, mayroon kasing mga indibidwal na nagpapabakuna na may comorbitidies na at nagkakataon lamang na umaatake ang mga sakit nito matapos magpabakuna.

Dagdag pa ni Asst. Regional Dir. Corrales, mayroong grupo na nag-iimbestiga sa mga napapaulat na umano’y nasasawi matapos bakunahan.

Pero hanggang sa ngayon aniya, ay wala pang napapatunayan na may nasawi dahil sa bakuna.

Samantala, kinumpirma naman nito na mayroon nang limamput dalawa na kaso ng Delta variant sa Metro Manila batay sa datos noong Hulyo 29, 2021 kung kayat hinihikayat nito ang publiko lalo na ang mga senior citizens na magpabakuna na laban sa COVID-19.