LATEST NEWS

KAHALAGAHAN NG FIRST 1000 DAYS TINALAKAY SA PANAYAM NG CARITAS PHILIPPINES SA NNC-NCR

 

HPCMU News Release No.114

July 23, 2021

Tinalakay sa panayam ni Ms. Jing Rey Henderson ng Caritas News on the Go kay National Nutrition Council – National Capital Region (NNC-NCR) Regional Nutrition Program Coordinator Ms. Milagros Elisa V. Federizo ang kahalagahan ng First 1000 Days ng mga bata.

Ayon kay Ms. Federizo, ang First 1000 days o unang isang libong araw ng mga bata ay nagsisimula sa unang araw ng pagbubuntis ng isang ina hanggang sa mag dalawang taon gulang ang bata.

Mahalaga aniya na mabigyan ng sapat na nutrisyon at pangangalaga sa kasagsagan ng First 1000 days ng mga bata dahil dito binubuo ang pundasyon ng mga ito sa kanilang paglaki.

Paliwanag pa nito, kapag hindi naging maganda ang nutrisyon na nakukuha ng isang bata sa kasagsagan ng First 1000 days ay maaaring magdulot ito ng malnutrisyon.

Dagdag pa ni Ms. Federizo, na mayroong pag aaral kung saan lumalabas na bumababa ang IQ points ng isang batang kulang sa nutrisyon at nahihirapang mag aral at kalaunan ay nahihirapang magtrabaho.

Kaya payo nito na dapat na matiyak na maalagaan ang mga buntis, tama ang timbang, masustansya ang kinakain at nakakapag pakonsulta sa doktor.

Mahalaga rin aniyang pasusuhin ang mga sanggol hanggang anim na buwan at madala sa health center o doktor upang matanggap ng mga ito ang basic child services gaya ng immunization, supplements at mamonitor ang paglaki.

Ang pagpapahalaga aniya sa First 1000 days ay gaya ng pagpapahalaga sa kinabukasan ng nga bata at kinabukasan ng bansa.