LATEST NEWS

LAS PINAS GENERAL HOSPITAL SATELLITE TRAUMA CENTER AT TATLONG BARANGAY NG MUNTINLUPA CITY, NAKATANGGAP NG AMBULANSYA MULA SA DOH-MMCHD

 

HPCMU News Release No.112

July 22, 2021

Naging matagumpay ang pagbibigay ng Type 1 Ambulance ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) sa Las Pinas General Hospital and Satellite Trauma Center, at tatlong barangay ng Muntinlupa City (Sucat, Bayanan at Putatan) ngayong araw ng Huwebes, July 22, 2021.

Ito ay sa tulong narin ni Muntinlupa City District Representative Ruffy B. Biazon na nagsilbing tulay upang mabigyan ng mga ambulansya ang tatlong barangay sa kanilang lungsod.

Ang naturang programa ng DOH-MMCHD ay pinangungunahan ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) na naglalayong makapagbigay ng magandang kalidad na ambulansya upang mas mapabilis ang serbisyo publiko at maihatid ng ligtas ang mga pasyente sa health facilities.

Lubos namang nagpasalamat ang mga kawani ng tatlong barangay sa DOH-MMCHD dahil sa pagbibigay nito ng mga Type 1 ambulance na isang malaking bagay upang makatulong sa maraming Pilipino lalo na ngayong pandemya.

Ayon kay DOH-MMCHD Regional Dir. Gloria Balboa, hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa mga sponsor at legislator gaya ni Cong. Ruffy Biazon kung kayat lubos rin itong nagpapasalamat dahil nakita nito ang kahalagahan ng ambulansya lalo na ngayong panahon at pruweba umano ito na talagang may malasakit ito sa kanyang bayang sinasakupan.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Cong. Ruffy Biazon ang mga kawani ng barangay na pangalagaan ang mga ambulansya mula sa DOH-MMCHD upang matagal itong magamit at mas marami pa ang matulungan.

Sa huli, binati naman ni DOH-MMCHD Assistant Regional Director Paz Corrales ang HFEP dahil sa matagumpay nitong ambulance turn-over ceremony ngayong araw.