LATEST NEWS

DOH-MMCHD NAKIISA SA UNVEILING CEREMONY NG COVID-19 VACCINATION ADVOCACY CAMPAIGN NG RIZAL MEDICAL CENTER

 

HPCMU News Release No. 111

July 22, 2021

Nakiisa si Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Regional Director Gloria J. Balboa sa isinagawang Unveiling Ceremony ng COVID-19 Vaccination Advocacy Campaign ng Rizal Medical Center (RMC) kahapon, July 21, 2021.

Malugod namang tinanggap ni Dr. Tricia Bautista, Chairman ng Department of Family Medicine ng RMC ang DOH-MMCHD at lahat ng dumalo sa seremonya.

Ayon kay Dr. Rica Lumague, Medical Center Chief II ng RMC ang kanilang mga ipapaskil na billboards sa labas ng kanilang ospital ay naglalayong mahikayat ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.

Nagpasalamat naman sa imbitasyon at binati rin ni Regional Director Gloria Balboa ang buong RMC sa inisyatibo nitong magpaskil ng COVID-19 Vaccination Advocacy Billboards na magsisilbing tulong sa DOH sa adbokasiya nitong makamit ang 70% population protection lalo na’t pinangangambahan muli ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 dahil sa pagpasok ng Delta Variant sa bansa na lubos na mapanganib lalo na sa mga senior citizen.

Hinihikayat rin nito ang RMC na ipagpatuloy ang ganitong inisyatibo upang mabigyan ng proteksyon ang bawat isa laban sa COVID-19 at magkaroon ang lahat ng maligayang pasko sa Disyembre.

Sa huli ng programa, pinangunahan naman ni Mr. Santy Cabangon, Head ng Billing and Claims Department at Program Host ang pagpapasinaya at pagsasagawa ng photo opportunity sa mga billboards na ipapaskil sa labas ng RMC.