LATEST NEWS

EPEKTO NG TRANS-FAT SA KATAWAN NG TAO, TINALAKAY SA PANAYAM KAY NNC-NCR REGIONAL NUTRITION PROGRAM COORDINATOR MILAGROS ELISA FEDERIZO



HPCMU News Release No.109
July 16, 2021

Tinalakay sa panayam ni Ms. Jing Rey Henderson ng Caritas News on the Go kay National Nutrition Council – National Capital Region (NNC-NCR) Regional Nutrition Program Coordinator Milagros Elisa V. Federizo ang epekto ng trans-fat o trans fatty acids.

Ayon kay Ms. Federizo, ang trans-fat ay nakukuha sa pagkain ng hayop o dairy products at madalas itong makita sa mga pritong pagkain o processed foods.

Aniya, lubos na nakakaapekto ang high consumption ng trans fatty acid sa katawan ng tao dahil pinapababa nito ang good cholesterol at pinapataas naman ang bad cholesterol kung saan posibleng magkaroon ng heart attack, stroke at type 3 diabetes.
Ang mga madalas aniyang magkasakit dahil sa trans-fat ay ang mga taong tinatawag na may comorbidities o mga malaki ang risk na matamaan ng COVID-19.

Upang maiwasan aniya ito ay naglabas na ang Department of Health (DOH) ng Administrative Order No. 2021-0039 o ang National Policy on the Elimination of Industrially-Produced Trans-Fatty Acids for the Prevention and Control of Non-Communicable Disease na naglalayong makapagbigay ng policy framework na mag aalis ng industrialy produced na trans-fatty acids sa mga pagkain sa bansa pagsapit ng taong 2023.

Sa ngayon ay pinapayuhan ni Ms. Federizo ang publiko na kumain ng healthy foods at iwasan ang pagkain ng processed food at gumamit ng alternatibong healthy oil gaya ng corn oil, soy bean oil, canola oil, olive oil, peanut oil at iba pa sa pagluluto ng mga pagkain.