HPCMU News Release No.108
July 15, 2021
Naging matagumpay ang pagbibigay ng Type 1 Ambulance ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) sa Culiat Health Center, ngayong araw ng Huwebes, July 15, 2021.
Ito ay sa pangunguna ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) na naglalayong makapagbigay ng magandang kalidad na ambulansya upang mas mapabilis ang serbisyo publiko at maihatid ng ligtas ang mga pasyente sa health facilities.
Malugod itong tinanggap ng mga kawani ng Culiat Health Center na sina Mr. Michael Monsayat, Ms. Leonica San Miguel, Mr. Jan Anthony Gugol, Mr. Westler Baseo at Mr. Bobby Diciembre na kumatawan kay Quezon City District 6 Representative Jose Christopher “Kit” Y. Belmonte.
Ayon kay Mr. Diciembre, lubos silang nagpapasalamat sa DOH-MMCHD dahil ito umano ang unang pagkakataon na nabigyan ang kanilang distrito ng ambulansya na tiyak na malaking tulong lalo na ngayong dumarami ang kaso ng COVID-19 sa Culiat gayundin ang pagdami ng mga pasyenteng kinakailangan nilang dalhin sa mga ospital o health facilities.
Pinaalalahanan naman nina DOH-MMCHD Regional Director Gloria J. Balboa at Assistant Regional Director Maria Paz P. Corrales ang mga kawani ng Culiat Health Center na kinakailangang mayroong ambulance license ang magmamaneho nito at alagaan ang ambulansya para ito ay tumagal dahil malaking bagay ito para makatulong sa pagsalba ng maraming buhay.