LATEST NEWS

INAGURASYON NG ONE HOSPITAL COMMAND CENTER BILANG NATIONAL PATIENT NAVIGATION AND REFERRAL CENTER GINANAP SA PICC



HPCMU News Release No. 107
July 12, 2021

Pormal na binuksan ngayong ika-12 ng Hulyo sa Philippine International Covention Center (PICC) ang One Hospital Command Center (OHCC) bilang National Patient Navigation and Referral Center (NPNRC) upang makapagbigay ng mas mabuti at mas agarang serbisyong pangkalusugan para sa buong bansa.

Inihalintulad ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chaiman Benjamin Abalos Jr. ang OHCC bilang instrumento na magtatahi sa pangangailangan ng tao at sa serbisyong pagkalusugan na ihahatid ng pamahalaan sa publiko.

"Civilization is founded on four pillars: the learnings of the wise, intelligence; the courage of the brave, tapang; the justice of the wise, hustisya; and the prayers of the good. In it, it was written that civilizations founded in four pillars but it lacks one thing. It is the unity of all the people who've woven this civilization together." ani MMDA Chairman Abalos.

Mag-iisang taon na nang simulan ang pagtatayo ng OHCC sa maliit na basketball court sa ika-lawang palapag ng opisina ng MMDA na tinatauhan ng iba't ibang ahensya bilang tugon sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. Ito ay tinatag sa pangunguna ni Covid-19 Treatment Czar Undersecreaty Leopoldo Vega bilang parte narin ng programang nakapaloob sa Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Law.

Ayon kay Congresswoman Angeline “Helen” Tan, ang principal author ng House Bill 9633 o ng The National Patient Navigation Referral System Act na sa paglulunsad ng organisado at pinagsamang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng NPNRC ay makakapagbigay na ng primary care services sa mga tao na gagabay sa kanila sa pagdedesiyson sa mas cost-efficient, may tamang lebel ng pagkalinga at magkaroon ng two-way referral na mag-aalis ng mga barriers sa ating health services.

“(NPNRC) which is being strengthened and expanded under House Bill. 9633 through the establishment of the integrated patient navigation and referral system shall provide a coherent and seamless linkages among relevant health facilities and agencies throughout the country. The NPNRC seeks to support, strengthens and facilitate the provision of health services of primary care providers acting as navigator, coordinator and initial continuing point of contact in the health care delivery system pursuant to the RA 11223.” Dagdag pa niya.
Kinilala naman ni Dr. Rabindra Abeyasinghe ng Wolrd Health Organization ang tulong na naiabot ng OHCC sa mga Pilipino sa pagsagip ng buhay sa pagpapasinaya ng teleconsultation, patient referral at medical transport assistance sa may mga agarang pangangailangan.

Kasunod, sa talumpati ni Health Secraty Francisco Duque III na ang pagtalaga ng OHCC bilang NPNRC ay pagsisiguro na lahat ng Pilipino ay protektado sa mga peligro sa kalusugan at may access sa abot-kaya at de kalidad na serbisyong pangkalusugan na angkop sa kanilang pangangailangan.

Nagsalita rin sa inagurasyon si Cabinet Secretary Karlo Nongrales upang bigyang pasasalamat ang mga tao sa likod ng pag-iinagura ng NPNRC bilang ito ang isa sa mga sagot sa pangangailangan pangkalusugan ng mga tao na mas-umusbong nang magkaroon ng pandemya. Sinabi rin nya na OHCC at ang Malasakit Center na pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ay magkasamang magseserbisyo sa pagtulong sa publiko.

Sinang-ayunan naman ito ni Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang pahayag patungkol sa pangako nila ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na uunahin nila ang buhay ng mga Pilipino lalo na ngayong pandemya sa pagbalanse ng ekonomiya at ng kalusugan. Dagdag niya ang pagkakaroon ng 128 na Malasakit Centers sa bansa kung saan nagbibigay tulong ito sa mga mahihirap ng pinansyal na tulong.

Ngayon, ang NPNRC inulunsad para sa unified Covid-19 response na binubuo nga mga call takers mula sa OHCC at referral staff mula sa Malasakit Center na nag-ugnayan sa mas organisado at sistematikong aksyon.

Dinaluhan din ng ilang mga miyembro ng gabinete ang pagbubukas ng NPNRC na sina Carlito Galvez, Usec. Jose Arturo de Castro, Usec. Roger Tong-an, Usec. Recardo Bernabe, Asec. Girlie Veloso, Asec. Maria Francia Laxamana, Asec. Elmer Punzalan, Asec. Charade Mercado-Grande, Asec. Romeo Ong, Regional Dir. Gloria J. Balboa, Dir. Enrique Tayag, Dir. Angelina Del Mundo, Dir. Ronald Lao, Gen. Manager Jojo Soliman, Atty. Renato Padilla, Colonel Fatima Claire Navarro at iba pang mahahalagang opisyales.