LATEST NEWS

NATUKLASAN ANG IBA PANG COVID-19 VARIANTS SA ISINAGAWA NA BIOSURVEILLANCE NG DEPARTMENT OF HEALTH (DOH), UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES - PHILIPPINE GENOME CENTER (UP-PGC) AT UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES - NATIONAL INSTITUTES OF HEALTH (UP-NIH)

 

HPCMU NEWS RELEASE NO. 106
JULY 9, 2021

Sa panayaman ni Dr. Mapue sa programang Caritas News on The Go, inisa-isa niya ang mga naitala ng Department of Health , University of the Philippines-Philippine Genome Center at University of the Philippines-National Institutes of Health na variants ng COVID-19 virus at ang mga kaso kaugnay dito.
Nito lamang Lunes ng July 5, ay nakapagtala ang DOH, UP-PGC at UP-NIH ng karagdagang 2 kaso ng Delta, 132 naman ang nadagdag sa kaso ng Alpha, 119 sa Beta at 3 naman sa Theta variant. Nasa tinatayang 1,217 na ang kaso ng Alpha variant sa bansa, 1,386 naman ang kabuuang bilang ng kaso ng Beta variant habang ilan namang naidagdag sa kaso ng Delta at Theta ay agad namang naideklarang magaling na.

Sa patuloy na pagtugon ng DOH sa COVID-19 virus, napaulat ang panibagong variant na Lamba, kung saan naunang na-detect sa Peru noong Decmber 2020. Sinabi ni Dr. Mapue na ang Lambda ay may katangian na kapareho ng Delta variant kaya tiyak na ito ay mapanganib sa mga senior citizens at may comorbidities. Dagdag ni Dr Mapue na wala pang naitala na kaso ng Lambda sa bansa ngunit laganap na ito sa South America at Latin America.

Umaasa si Dr.Mapue na hinda na makarating ang Lambda variant sa Asya dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng border control sa bansa. Dagdag pa na paalala ni Dr. Mapue sa publiko na patuloy na sumunod sa minimum public health standards (MPHS) upang matiyak ang kailgtasan ng lahat at mabasawasan ang pagkalat ng virus sa bansa. Ayon kay Dr. Mapue, na mahigpit pa rin ipinagbabawal ang mass gathering dahil isa ito sa mga pangunahing sanhi ng paglaganap ng virus.

Sa pagtatapos, hinikayat ni Dr. Mapue ang publiko na magpabakuna para sa kaligtasan ng bawat isa sa bansa at patuloy pa rin na sumunod sa ipinatutupad na minimum public health standards upang tuluyan nang wakasan ang COVID-19 virus sa bansa.