LATEST NEWS

CONG. ZAMORA: WHAT STARTED IN SAN JUAN WILL BE FINISHED IN SAN JUAN

 

HPCMU News Release No. 104
July 12, 2021

Ginunita ngayong ika-12 ng Hulyo sa Green Hills Mall ang pagkilala sa Lungsod ng San Juan bilang kauna-unahang lungsod na nakapagbakuna ng unang dose ng Covid-19 vaccine sa higit 100% na indibidwal mula sa target na 70% ng kabuuang populasyon ng lungsod.

Matatandaang noong ika-6 ng Marso taong 2020, sa syudad ng San Juan unang naitala ang local transmission sa bansa. Kaya naman matagumpay nilang inabot ang unang hakbang sa pagkamit ng malawakang proteksyon mula sa Covid-19.

Sa talumpati naman ni Health Secretary Francisco Duque III ay kanyang sinubok at pinaalalahanan si San Juan City Mayor Francis Zamora at iba pang mga lingkod bayan ng syudad ukol sa halaga at benepisyo nang pagkumpleto ng second dose upang makamit ang proteksyong publiko.

Ayon naman kay Secretary Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry na ang pagbabakuna ay mayroong malaking epekto sa lubusang pagbubukas ng ekonomiya.

Sa kabilang banda, hindi naging hadlang ang pagkakaroon lamang ng dalawang vaccination site ng San Juan dahil ang bawat site ay kayang magbakuna mula 3,000 hanggang 4,000 na tao sa loob lamang ng isang araw.
Kaya naman, sa pagtugon sa taas ng demand sa bakuna, dinagdagan ng San Juan sa parehong araw ng selebrasyon ang pagbubukas ng V Mall bilang ikatlong vaccination site sa Lungsod na inaasahang makakatulong sa pag-abot ng 5,000 kataong mababakunagan kada-araw.

Upang madagdagan naman ang kumpyansa ng mga mamimili sa Green Hills Mall at tanda narin ng ligtas na pamilihan ay nagdikit si Mayor Zamora ng safety seal sa mga tindahang kumpleto na ang bakuna ng kanilang empleyado.

Dinaluhan ang pagtitipon nina Secretary Duque III, Secretary Lopez, Testing Czar Secretary Vince Dizon, Presidential Spokeperson Harry Roque, Congressman Ronny Zamora, Mayor Francis Zamora, San Juan First Lady Keri Zamora, Health Workers, Barangay Officials, Councilors, Muslim Community at iba pa.