LATEST NEWS

TRC, POC, AT DR. JOSE FABELLA MEMORIAL HOSPITAL, NAKATANGGAP NG AMBULANSYA MULA SA MMCHD

 

HPCMU News Release No.103
July 13, 2021

Malugod na tinanggap ng Treatment and Rehabilitation Center (TRC), Philippine Orthopedic Center (POC) at Dr. Jose Fabella Memorial Hospital ang mga Type 1 Ambulance na ibinigay ng Metro Manila Center for Health Development (MMCHD), ngayong araw Hulyo 13.

Ito ay sa pangunguna ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) na naglalayong makapagbigay ng de kalidad na serbisyo pang transportasyon na may kakayahang makapaghatid ng mabilis at ligtas sa mga pasyente patungo sa mga ospital.

Nagsagawa naman ng orientation ang mga kawani ng One Top Medical Systems Resources, kung paano gamitin ang Medical Transport at Equipment ng Type 1 Ambulance.

Kabilang sa mga dumalo mula sa TRC, POC at Dr. Jose Fabella Memorial Hospital ay sina Esmeraldo T. Ilem, Medical Center Chief II ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, at Dr. Alfonso A. Villaroman, Chief of Hospital III ng TRC Bicutan.

Sa maiksing mensahe naman ni MMCHD Regional Director Gloria J. Balboa, iginiit nito na ang itinatagal ng ambulansya ay depende kung paano ito ginagamit at inaalagaan.

Kaya pinaalalahanan ni Regional Dir. Balboa maging ni MMCHD Assistant Regional Dir. Maria Paz P. Corrales ang mga tumanggap ng mga ambulansya na ito ay gamitin ng may pag-iingat at pagpapahalaga.