HPCMU News Release No.098
June 24, 2021
Malugod na binuksan ng Presidente at CEO ng St. Luke's Medical Center na si Dr. Arturo Dela Peña at ng Executive Vice President for Construction Division na si Mr. Norman Macapagal ang St. Luke's Vaccination Hub ngayong araw sa Taguig City.
Nakiisa rin sina Sec. Francisco Duque III, Sec. Carlito Galvez, Jr., Sec. Vince Dizon at iba pang kawani ng Department of Health.
Lubos na pinasalamatan ni Sec. Duque III ang kabuuan ng St. Luke's Medical Center sa pagsuporta at pagtulong sa pagsugpo ng pandemya.
Sa pagtatapos, nagsagawa ng ribbon cutting ceremony at vaccination site blessing para sa pormal na pagbubukas ng St. Luke's Vaccination Hub.