LATEST NEWS

MANILA COVID-19 FIELD HOSPITAL, GANAP NANG BINUKSAN SA PUBLIKO

 

HPCMU News Release No.097
June 24, 2021

Nasaksihan ang ganap na pagbubukas ng Manila COVID-19 field hospital na pinangunahan ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso at ng National Parks Development Committee kasama ang Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.
Nakiisa rin sina Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, Sec. Salvador Medialdea, Sec. Carlito Galvez, Sec. Vivencio Dizon, Usec. Leopoldo Vega, MMDA Usec. Jose Arturo Garcia, Jr., MMDA Chairman Benjamin Abalos at iba pang kawani ng DOH.

Lubos na nagalak at humanga si Sec. Duque III sa inisyatibo ng Manila City Mayor Isko Moreno sa pagtatayo ng isa sa pinakamalaking field hospital sa rehiyon upang makatulong sa pag-treat ng mga COVID-19 patients na mild to moderate cases.
Ang Manila COVID-19 Field Hospital ay ipinagmalaki ni Mayor Isko Moreno dahil ito ay naitayo sa loob lamang ng 52 araw. Ipinahayag din niya na kumpleto ang mga gamit na medical at mayroon itong mahigit 334 beds na pwedeng magamit ng mga pasyente.

Ipinaabot din ni Sec. Salvador Medialdea ang suporta sa ginanap na pagbubukas ng COVID-19 field hospital, “We ensure that all the necessary support for the LGU will be provided and we will heal and recover as one” aniya.

Sa pagtatapos, nagpasalamat rin si Sen. Bong Go sa mga local na pamahalaan lalo na sa Lunsod ng Maynila na talagang gumagawa ng aksyon at nakikiisa sa pagsugpo ng pandemya. Patuloy rin niyang hinikayat ang publiko na h’wag magsayang ng pagkakataon at agad na magpabakuna.