LATEST NEWS

ISRAEL MINISTRY OF HEALTH, BINISITA ANG TAGUIG LAKESHORE VACCINATION SITE

 

HPCMU News Release No.096
June 24, 2021

Malugod na tinanggap ni Taguig City Mayor Lino Cayetano kasama ang mga kawani ng Department of Health Secretary Francisco Duque III, Undersecretary Myrna Cabotaje sa pakikiisa ni National Task Force Deputy Chief Implementor Secretary Vince Dizon ang mga eksperto mula sa Israel Ministry of Health ngayong araw, Hunyo 24.

Ipinakita ni Mayor Cayetano ang vaccination site sa mga Israeli health experts at ang kahandaan ng mga vaccination team sa Taguig Lakeshore Hub.

Nagalak at naging maayos ang pagbisita nila Mr. Avraham Ben Zaken, Mr. Adam Nicholas Segal, Mr. Dafna Segol, at Deputy Chief Mission Nir Balzam. Pinuri at hinangaan ng mga Israeli experts ang professionalism ng mga vaccination team sa pag-transport ng mga bakuna mula sa cold chain facility hanggang sa makarating sa mismong vaccination site.

Lubos na nagpasalamat si Sec. Duque sa pagbisita ng mga Israeli health experts sa pagbibigay ng mga stratehiya at iba pang mga kaalaman kung paano mas mapapabilis at mapagbubuti ang pagbabakuna upang tuluyang makamit ang herd immunity sa bansa.