LATEST NEWS

MGA DELEGADO MULA SA ISRAEL BUMISITA SA MGA VACCINE STORAGE HUBS AT IBA PANG LUGAR KASAMA ANG DOH

 

HPCMU News Release No.095
June 23, 2021

Binisita ng mga delegado mula sa Israel ang mga vaccine storage hubs na Pharmaserve sa Marikina City at Zuellig Pharma sa Paranaque City at iba pang mga mahahalagang lugar na ginagamit sa pagbabakuna ngayon araw, ika-23 ng Hunyo.

Matapos nila bisitahin ang mga vaccine storage hubs, pinuntahan rin nila ang vaccination site sa Solaire sa Panaraque City at ang bagong tapos na Modular Field Hospital sa Luneta Park, Manila.

Matatandaang dumating ang mga ekspertong pangkalusugan mula sa bansang Israel na sina Avraham Ben Zaken, Adam Nicholas Segal at Dafna Segol sa bansa noong ika-20 ng Hunyo upang magbigay ng tulong at suhestyon para mapaigting ang pagpigil ng pagkalat ng COVID-19 at mapasigla ang bakunahan sa bansa.

Kasama rin sa mga bumisita sina NTF Vaccine Czar Carlito G. Galvez, COVID-19 Testing Czar Vince Dizon, Presidential Spokesperson Harry Roque, Metro Manila Center for Health Development Regional Director Gloria J. Balboa, Assistant Regional Director Maria Paz Corrales at iba pang mahahalagang personalidad.