LATEST NEWS

BOC SINIMULAN NA ANG COVID-19 VACCINATION PROGRAM SA MGA EMPLEYADO SA PORT OF NAIA



HPCMU News Release No. 087
June 20, 2021

Sinimulan na ng Bureau of Customs (BOC) NAIA ang pagpapabakuna kontra COVID-19 sa mga empleyado nito, nitong Sabado, Hunyo 19.

Ito ay matapos na i-anunsyo ng pamahalaan na sisimulan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of Health (DOH) ang pagpapabakuna sa mga kwalipikadong indibidwal sa ilalim ng A4 Priority Group gaya ng mga Frontliner Personnel sa mga essential sectors kabilang na ang mga uniformed personnel at mga pasok sa IATF-Emerging Infection Diseases Resolution No. 117.

Ang nasabing resbakuna ay isinagawa sa BOC-NAIA sa Pasay City, Manila sa pangunguna nina Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, Deputy Commissioner Donato San Juan, DOH-NCR Regional Director Dr. Gloria Balboa, City Health Office Assistant Head Dr. Ma. Lourdes San Juan, at Ms. Abegail Moises.

Patuloy namang sinusuportahan ng BOC sa ilalim ng pamamahala ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang national vaccination program ng IATF at DOH sa pamamagitan ng mabilis na pagpoproseso ng mga bakuna sa Luzon, Visayas at Mindanao.