HPCMU News Release No.086
June 18, 2021
Tinalakay sa panayam kay Director Gloria J. Balboa sa Caritas News on the Go kasama si Jing Herderson ng Caritas Philippines na maaari nang mabakunahan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na lalabas upang makapagtrabaho sa ibang bansa at makatulong sa pagbangon ng ating ekonomiya.
Maaaring direktang magparehistro ang mga OFWs sa kanilang mga LGU data system o di kaya’y ang kanilang manning agencies ang maaaring maglakad at makipag-ugnayan sa LGUs para sa pre-registration.
Nilinaw ni Dir. Balboa na kailangang magdala ang mga OFWs ng pruweba na sila ay may deployment issue o latest verified employment contract mula sa kanilang manning agency upang mapabilang sa maaaring mabakunahan.
Sa pagtatapos ng panayam, pinaalalahanan ni Dir. Balboa ang publiko na hindi dapat maging kampante ang publiko kahit nabakunahan na at patuloy paring sundin ang minimum public health standards kagaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, pagdistansya ng isang metro at palagiang paghuhugas ng kamay.