LATEST NEWS

WORLD BLOOD DONOR DAY, IPINAGDIWANG NG MMCHD

 

HPCMU News Release No.084
June 14, 2021

Sa pagdiriwang ng “World Blood Donor Day” nagsagawa ng blood donation activity ang Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) kasama na nakipagtulungan ang Philippine Blood Center (PBC) ngayong araw, Hunyo 14.

Ngayong taon ang tema ng blood donation activity ay “Dugong Bigay, Dugtong Buhay”. Mahigit 35 blood donor na nagmula sa iba’t ibang lugar ang dumalo at nakiisa sa ginanap na blood donation activity sa Amphitheatre ng ahensya.

Naging maayos ang mga proseso at makabuluhan ang pagbibigay ng dugo ng bawat donor na siguradong makatutulong sa mga nangangailangang pasyente.

Sa pagtatapos, lubos na nagalak at nagpasalamat ang PBC sa mga magigiting na blood donor na piniling magbigay at maging parte sa pagdudugtong ng maraming buhay.