HPCMU News Release No.082
June 10, 2021
Simula na ng tag-ulan sa bansa kaya naman nagbigay ng mga paalala si Dr. Amelia Medina ng Metro Manila Center for Health Development patungkol sa paglaban sa sakit na dengue. Sa kanyang panayam sa programang Pambansang Almusal ng NET 25 Channel, ibinida niya na mas bumaba ang kaso ng dengue ngayon sa 3,389 kumpara sa nakaraang taon sa buwan ng Enero hanggang Mayo na nakapagtala ng 5,386 na kaso.
Kaya hinikayat ni Dr. Medina na sumunod sa 4S Kontra Dengue at ipatupad ang paglilinis sa kapaligiran na maaring pamugaran ng lamok. Maigi rin na proteksyonan ang sarili sa pagsusuot ng mga damit na may mahahabang manggas at iwasang magsuot ng mga madidilim na kulay na damit na nakakaakit sa mga lamok na may dalang dengue.Agad na magpakonsulta sa doktor kung may mga nararamdamang sintomas ng dengue at gumamit ng mga natural at mabisang mosquito repellent.
Dagdag ni Dr. Medina na ipatupad ang paggamit ng Ovicidal Larvicidal (OL) Traps na inilunsad ng DOH kasama ang Department of Science and Tenchnology(DOST). Isang simpeng paraan para mabawasan ang “mosquito denuit” o bilang ng mga lamok sa kapaligiran.
Sa pagtatapos, nagpaalala siyang muli na ang agarang pag-aksyon at pag-iwas sa sakit na dengue ay makakatulong upang maiwasan ang pagtaas ng kaso sa panahon ng pandemya. Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa mga katuwang na ahensya at lokal na pamahalaan na patuloy na sumusuporta sa programa ng pamahalaan.