HPCMU News Release No.081
June 11, 2021
Namigay ng 17-e-bikes ang Project Red Ribbon, isang HIV and AIDS Foundation sa mga Local Government Units (LGUs), HIV treatment hubs, primary HIV care clinics at iba pang organization katuwang ang World Health Organization (WHO), Joint United Nations Program on AIDS (UNAIDS), at ang Department of Health (DOH) ngayong araw, ika-11 ng Hunyo.
Layon ng proyekto ng The Project Red Ribbon na The Love on Wheels Project na bigyan ng agarang transportasyon ang mga manggagawang pangkalusugan upang mapagtuunang pansin ang mga hamon sa nasabing programa.
Inaasahang ang mga e-bike ay magagamit sa paghatid ng ARV HIV screening kits at iba pang mga gamit sa mga taong may HIV.
Ang turn-over ng e-bikes ay dinaluhan nina Mr. Ico Rodulfo, CEO ng The Project Red Ribbon, Dr. Louie Ocampo, UNAIDS Consultant, Dr. Kiyohiko Izumi ng WHO, at DOH-Metro Manila Center for Health Development Regional Director Gloria J. Balboa.