LATEST NEWS

LUNGSOD NG MAYNILA NAKATANGGAP NG AMBULANSYA

 

HPCMU News Release No.080
June 11, 2021

Malugod na tinanggap ng mga kinatawan ng Manila Health Center at Aurora Quezon Health Center ang mga ambulansya na binigay ng Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) sa pangunguna ng mga kawani ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ngayong araw, Hunyo 11.

Naging matagumpay ang pagbibigay ng mga ambulansya sa mga nangangailangang health facility sa Metro Manila dahil sa supporta at pakikipagtulungan nina Hon. Manuel Lopez na kinatawan ng 1st District at Hon. Carlo Lopez ng 2nd District sa Lungsod ng Maynila.

Malaki ang kanilang naging ambag para maisakatuparan ang ganitong programa na makakatulong para mas mapabilis ang serbisyo at maitaas ang healthcare system ng ilang maliliit na healthcare providers sa iba’t ibang local na pamahalaan.
Naging maayos ang turn-over ng mga ambulansya at lubos ang pasasalamat ng mga kinatawan na nakatanggap ng Type 1 Ambulance.

Pinaalalahanan din ni Director Gloria Balboa ang mga kinatawan na tatanggap ng ambulansya na hindi basta-basta ang paggamit nito at dapat gamitin ng may pag-iingat at pagpapahalaga.

Natapos ng maayos at puno ng pasasalamat ang mga dumalo sa naganap na programa.