LATEST NEWS

SOLAIRE RESORT & CASINO HOTEL INILUNSAD BILANG ISANG MEGA VACCINATION SITE

 

HPCMU News Release No.078
June 04, 2021

Binisita at inobserbahan ang Mega Vaccination Site ng Solaire Resort & Casino Hotel sa Lungsod ng Parañaque ngayong araw, Hunyo 4.

Pinangunahan ni Secretary Francisco T. Duque III at iba pang kawani ng Department of Health (DOH) ang paglulunsad ng nasabing Vaccination Site kasama sina Secretary Carlito Galvez Jr., Vaccine Czar and National Task Force Chief Implementer, Secretary Vince Dizon, Deputy Chief Implementer, and Under Secretary Emmanuel Rey R. Cavintic ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pakikipagtulungan ng Presidente o CEO ng Ayala Healthcare Holdings Inc. na si Paulo F. Boromeo at si Mr. Jose “Pepot” Miñana ng Jollibee Food Corp.

Ito ay bukas sa mga Parañaqueno na nais mabakunahan at maproteksyunan laban sa COVID-19. Mayroon itong drive-thru vaccination upang mas mapabilis ang pagbabakuna sa mga taong pupunta sa vaccination site.

Natapos ng maayos at nag-iwan ng ilang mga paalala ang DOH sa mga vaccination team na magsasagawa ng pagbabakuna ng sa gayon ay mapanatili ang kalidad ng mga bakuna.