HPCMU News Release No.077
June 4, 2021
Dinaluhan ni Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Director Gloria J. Balboa ang isang panayam kay Jing Rey Henderson ng Caritas News on the Go upang magbigay ng updates at sumagot sa mga frequently asked questions ngayong araw, Hunyo 4, 2021
Kabilang sa mga sinagot ni Dir. Balboa ang mga katanungan patungkol sa paraan ng pagpaparehistro, pagtanggap ng bakuna, hindi na pagsusuot ng facemask at face shield at iba pa.
Nilinaw rin ni Dir. Balboa kung sinu-sino ang kabilang sa mga prayoridad na mababakunahan. Dagdag pa niya ang paglilinaw kung saan magpapabakuna ang mga empleyado ng isang kumpanya.
Ani ng Director, kung ikaw ay empleyado ng kumpanya na kabilang sa A1 (Frontliner Health Workers) A2 (Senior Citizens) o A3 (Persons with comorbidities) ay maari ka nang magparehistro sa iyong LGU na kinabibilangan at hindi na kailangang mag-hintay na mabakunahan sa inyong kumpanya.
Pinaalalahanan rin ni Dir. Balboa ang publiko na kinakailangan parin na sundin ang Minimum Public Health Standard kahit nabakunahan na.
Sa pagtatapos, pinabulaanan ang mga usap-usapang ipinagbibili ang mga bakuna sa katotohanang ito naman ay libre sa publiko.