LATEST NEWS

DIRECTOR MA. PAZ P.CORRALES NG MMCHD INANUNSYO ANG PAGBABA NG COVID-19 CASES SA NCR

 

HPCMU News Release No.076
June 4, 2021

Sa panayam kay Asst. Regional Director Ma. Paz P. Corrales sa programang Balitalakayan ng NET 25 Channel, inanunsyo niya na bumababa na ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 kasabay nito ang pagtaas ng bilang ng mga nabakunahan sa Metro Manila.

Hinihikayat ni Asst. Regional Director Corrales ang taong bayan na tumanggap ng bakuna. Aniya, “Libre ang bakuna at walang sinisingil ang gobyerno at bawal po maningil kaya dapat samantalahin ng mga kababayan.”

Patuloy pa rin ang pagkumbinsi sa taong bayan na magparehistro at magpabakuna sa kanilang pinakamalapit na vaccination site at para sa mga walang kakayahan na magrehistro online, maaaring pumunta sa kanilang barangay para magpalista.

Muli, nilahad ni ARD Corrales na patuloy silang nagpapakalat ng tamang impormasyon tungkol sa COVID-19 Virus sa pamamagitan ng mga LED billboards, pakikipag-ugnayan sa media at patuloy na paghikayat sa taong bayan na magpabakuna. Dagdag pa dito, magkakaroon ng symbolic activity na gaganapin sa lungsod ng Pasay sa lunes, June 7 para sa A4 priority group.

Sa pagtatapos ng panayam sinabi ni ARD Corrales na “Ang bakuna ay para sa buong community upang makarecover economically”. Pinaalalahan din niya ang publiko na ugaliin pa rin ang pagsunod sa minimum public health standards kahit kumpleto na sa bakuna para makamit ang mass protection.