LATEST NEWS

CIDG AT MMCHD AY NAGTULUNGAN UPANG MAG-IMBESTIGA SA MGA LABORATORYONG NAGSASAGAWA NG RT-PCR TEST

 

HPCMU News Release No. 075
June 3, 2021

Nakipag-ugnayan sina PSSg Rainier Abundo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at sina A2C Kelvin Agravante at SSg Ivan Torrecampo ng Philippine Air Force (PAF) sa opisina ng Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) upang imbestigahan ang mga laboratoryo na nagsasagawa ng COVID-19 RT-PCR testing at Antigen Swab testing na inaalok online at isinasagawa sa bahay, opisina at drive thru swabbing station.

Naging maayos ang pag-uusap nina PSSg Abundo at Dir. Balboa sa kasalukuyang pagsusuri at pagberipika ng mga laboratoryo. Inaasahang lalo pang lumakas ang ugnayan at koordinasyon para sa mas maayos na serbisyo ng mga ahensya sa publiko.

Sa pagtatapos, binigyang diin ni Dir. Balboa na mahigpit na ipinatutupad na tanging ang mga lisensyadong laboratoryo lamang ang maaaring magsagawa ng COVID-19 testing.