LATEST NEWS

NAG-COURTESY CALL SI DIRECTOR BALBOA KAY CONGRESSMAN GONZALES

 

HPCMU News Release No. 074
May 28, 2021

Malugod na tinanggap ni Mandaluyong City Representative Neptali “Boyet” Gonzales II ang bagong Regional Director na si Dr. Gloria Balboa ngayong araw, May 28.
Inaasahang mas palalakasin ang koordinasyon at pakikipagtulungan ng bawat isa sa mga proyekto lalo na sa pagpapatayo at pagpapaunlad ng mga health infrastructures sa Mandaluyong City para sa mas dekalidad at maayos na serbisyong pangkalusugan.

Matatandaang si Congressman Gonzales ang sumuporta sa pagpapagawa ng “Cold Storage, Motor Pool at Multi-Purpose Gym” na itinatayo sa loob ng Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) para makatulong sa serbisyo ng ahensya.

Natapos ng maayos at maganda ang kanilang pagpupulong at inaasahan ang magandang ugnayan sa pagitan ni Dir. Balboa at Cong. Gonzales.