LATEST NEWS

SIMULATION PARA SA BAKUNANG PFIZER, ISINAGAWA SA MUNTINLUPA CITY

 

HPCMU News Release No. 073
May 27, 2021

Bagamat naubos na ang supply ng bakunang Pfizer-BioNTech, nagsagawa padin ang Pamahalaan ng Muntinlupa City ng simulation nitong ika-27 ng Mayo bilang paghahanda sa darating na nasabing bakuna nitong Hunyo 2021.

Pinangunahan ni Dr. Emmanuella McAdeletey ng Unicef ang pag-observe ng proseso ng bakunahan sa SM Center, Tunasan Muntinlupa kasama ang National Vaccination Operation Center (NVOC) Technical Staff Dr. Shirly Pador at sina Dr. Ara Jurao, Dr. Jose Mari Castro at Dr. Anatoly De los Santos ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development.

Sinamahan naman ni SM Mall Manager Gerardo T. Domingo III ang buong grupo sa pag-ikot sa lokasyon ng proseso ng bakunahan.
kalaunan ay kinumpirma ni Dr. Shirly Pador ng NVOC na handa na ang nasabing vaccination site at team para sa darating na bakuna.