LATEST NEWS

MATATAPANG NA BFP FIREFIGHTER-NURSES NA-DEPLOY PARA SA DAGDAG NA MANPOWER SA MGA OSPITAL

 

HPCMU News Release No. 072
May 22, 2021

Malugod na tinanggap ng mga Ospital ang mga firefighter-nurses na ipinadala ng Bureau of Fire Protection (BFP) para makatulong sa pagresponde sa mga nangangailangang pasyente ng COVID-19 ngayong araw, May 22.

Ang mga firefighter-nurses na nanggaling pa sa iba’t ibang lugar ng ating bansa ay ipinakilala at ipinagmalaki ni BFP Chief Dir. Jose Segundo Embang Jr. kasama si Dir. Gloria Balboa at Usec. Jonathan Malaya noong May 18, 2021 sa Send-Off Ceremonial na ginanap sa Quezon City.

Lubos ang pasasalamat ng Ospital ng Tondo, The Premier Medical Center, Novaliches District Hospital, Parañaque Doctors Hospital Inc., General Malvar Hospital, Providence Hospital, St. Clare’s Hospital, Holylife Hospital, at San Juan Medical Center sa dagdag manpower na ipinadala sa kanilang ospital upang mas mapabilis ang serbisyo sa mga may sakit at maging magaan ang pagtugon sa pandemya.