LATEST NEWS

DOH-MMCHD SUPPLY TEAM TULOY-TULOY PARIN ANG PAGHAHATID NG BAKUNA

 

HPCMU News Release No.071
May 22, 2021

Tuloy-tuloy parin ang paghahatid ng mga bakuna ng Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) Supply Team sa mga vaccination sites ngayong araw ng sabado, May 22.

Nakatanggap ang Supply Team ng panibagong mga bakuna mula sa Supply Chain Management Office (SCMO) na nakalaan sa iba’t ibang vaccination site sa Metro Manila. Mabilis at maayos na hinatid ang mga bakuna sa Bureau of Quarantine (BOQ) at Philippine Red Cross na nakatanggap naman ng tig-1,000 vials para mas mapabilis at maging epektibo ang pagbabakuna.
Patuloy ang paghahatid at pagtatrabaho ng Supply Team kahit weekends at holiday upang masiguradong ang bakuna ay makakarating ng maayos at mabilis sa mga vaccination sites.